Eala nagbitiw na sa PBA

View previous topic View next topic Go down

Eala nagbitiw na sa PBA

Post by Admin on Wed Aug 08, 2007 6:43 am

Isang araw matapos dumating mula sa Toku-shima, Japan,
pormal na inihayag na kahapon ng problemadong si Noli Eala ang kanyang
pagbibitiw bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association
(PBA).

Ito ay mula na rin sa kuwestiyon sa kanyang
moralidad matapos si-yang i-disbar ng Supreme Court bilang abogado sa
kasong gross morale misconduct noong Agosto 1.

”I have made hard decisions in my life,
decisions which I always take full responsibility for. Recent events in
my personal and private life have necessitated that I make another hard
decision today,” wika ni Eala sa binasa niyang press statement. “To
ease the pain of the people who matter to me, my family, especially
children and to shield the league I truly care for with so much passion
from any erroneous perceptions related to my disbarment case in the
Supreme Court, I am today tendering my immediate resignation as
Commissioner of the Philippine Basketball Association.”

Ayon sa isang source, bago pa man ihayag
ni Eala, nailuklok bilang Commissioner noong 2003 kapalit ng nama-yapa
nang si Jun Bernardino, ay nagdesisyon na ang PBA Board of Governors na
sibakin ang dating television anchorman.

Kabilang sa mga bumoto para patalsikin sa
silya si Eala ay sina Ricky Vargas ng Talk ‘N Text, Tony Chua ng Red
Bull, Lito Alvarez ng Air 21, Joaqui Trillo ng Alaska, Ariel Magno ng
Sta. Lucia at JB Baylon ng Coca-Cola.

Gusto namang pana-tilihin nina Ely Capacio
ng Purefoods, Robert Non ng San Miguel at Mamerto Mondragon ng Welcoat
si Eala sa kanyang pu-westo.

Kabilang sa mga per-sonalidad na nasa
lista-han ngayon ng PBA Board ay sina dating Sen. Robert Jaworski, Sr.,
Basketball Coaches Association of the Philippines (BCAP) president
Chito Narvasa at ang kinatawan sa Board ng Purefoods na si Rene Pardo.

Si Narvasa, dating coach ng Shell Turbo
Chargers, ang isa sa mga naging karibal ni Eala bilang Commissioner
noong 2003 bukod kay Rey Gamboa ng Shell.

Kasalukuyan namang nasa United States si Jaworski, kinukuha ng Express bilang bagong head coach, para sa isang medical check up.
”I now appeal to all to allow me and my
loved ones to deal with this very personal ordeal privately and in our
own time,” ani Eala bago mabilis na tumalilis.
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 34
Registration date : 2007-07-14

Character sheet
Team: Purefoods Purefoods

View user profile

Back to top Go down

Re: Eala nagbitiw na sa PBA

Post by Patrimonio on Wed Aug 08, 2007 6:58 am

Parang mas gusto ko si Joworski maging Commissioner. Kapag sya ang naging Commissioner. Baka mabuhay ulit ang PBA. At bigyan nya ng panahon ang RP Team. Very Happy
avatar
Patrimonio

Number of posts : 6
Registration date : 2007-08-08

Character sheet
Team: Purefoods Purefoods

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum