Malalaman na ang Final 12

View previous topic View next topic Go down

Malalaman na ang Final 12

Post by Admin on Fri Jul 27, 2007 8:43 am

Ang final 12 na baba-likat sa malaking misyong dalhin ang bansa sa Olympics ay malalaman na ngayon.

Ihahayag ni national coach Chot Reyes ang
12-man roster para sa San Miguel Olympics sa managerís meeting
ma-mayang gabi sa pagsi-simula ng Olympic qualifier na FIBA-Asia Menís
basketball championships sa Tokushima, Japan.

Kumpleto ang 15-man pool ni Reyes na umalis
kamakalawa ng hapon para magkaroon ng sapat na panahong magpakon-disyon
sa klima at venue sa Tokushima at ngayong araw na ang kanilang final
preparation para sa malaking misyon, ang makapasok sa Olympics na 35
taong nang di nakikita ang bandila ng Pilipinas.

Muntik pang hindi makasabay ang Fil-Am na
si Gabe Norwood na kinailangang iwanan ang ensayo bago umalis ang RP
Team kamakalawa upang sagutin ang mga karagdagang katanungan sa
Japanese Embassy bago i-release ang kan-yang visa patungong Japan.

Inaasahang isa si Norwood sa siguradong
makakasama sa final line-up kasama sina Kelly Williams, Jimmy Alapag,
Dondon Hontiveros, Asi Taulava, Kerby Ray-mundo, Mark Caguioa, Erik
Menk at Danny Seigle na binigyan ng go-signal na lumaro mula sa injury.


Ang iba pang miyem-bro ng national pool ay
sina James Yap, Renren Ritualo, Ranidel De Ocampo, Mick Pennisi, Jayjay
Helterbrand at Tony Dela Cruz. Sa huling practice ngayon ng RP team,
madedesisyunan na ni coach Reyes kung sino ang tatlong malalag-lag mula
sa national pool na nag-ensayo ng limang buwan para sa torneong ito na
siyang tanging daan para sa mga Asian countries tungo sa Olympics na
gaganapin sa Beijing China sa susunod na taon.

Labing anim na bansa ang kalahok sa
torneong ito kung saan ang kampeon na koponan ang papasok sa Olympics
sa susunod na taon o kung hindi man ay runner-up sa China na awtomatiko
nang may slot sa Beijing Games bilang host country.
Napasama sa grupo ng mga bigating teams ang
Pinas kung saan ang una nilang makakasagu-pa ay ang Iran sa opening day
bukas kasunod ang powerhouse team ng defending champion Chi-na sa
Linggo at ang Jordan sa Lunes.
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 34
Registration date : 2007-07-14

Character sheet
Team: Purefoods Purefoods

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum