Handa na ang RP Squad!

View previous topic View next topic Go down

Handa na ang RP Squad!

Post by Admin on Mon Jul 16, 2007 1:00 am

Ipinakita ng San Miguel Pilipinas Team ang kanilang kahandaan para sa kanilang misyon sa FIBA-Asia Men’s Championships sa Tokoshima, Japan, dalawang linggo mula ngayon matapos pagharian ang 4-nation Smart Manila Invitationals na nagtapos kahapon sa Araneta Coliseum.

Muling nagbida si Jimmy Alapag katulong si
Mark Caguioa na nagtulong sa ikaapat na quarter upang igupo ang
Lebanon, 87-81 na nagpasaya sa malaking crowd sa Big Dome.

Habang sinusulat ang balitang ito ay
naglalaban ang Talk N Text at Alaska sa Game-Five ng kanilang
best-of-seven championsip series na tabla sa 2-2 para sa titulo ng PBA Fiesta Conference.

Kinamada ni Alapag ang 16 sa kanyang tinapos na 23-puntos sa ikalawang quarter upang makasabay sa
laro ang mga Pinoy at kinumplimentuhan ito ni Ca-guioa na bumawi sa
kan-yang siyam na pagmimintis sa paghakot ng 10 sa tina-pos nitong
19-puntos sa ikaapat na quarter upang mapanatili ang distansiya ng
Nationals sa mga kala-ban.

“It’s nice to win, of course,” ani coach
Chot Re-yes ng RP team na may baong dalawang titulo-- ang isa ay ang
Southeast Asian Basketball Association championship na nakopo nila
noong Mayo sa Thailand para makapasok sa Olympic qualifying tournament
sa Japan. “But let’s reserve the celebrations for later, in August, in
Japan.”

Binasag ng RP Team ang 61-pagtatabla sa
pa-mamagitan ng 13-4 run upang makalayo sa 74-65 at pinigilan ni
Caguioa ang pagbangon ng Lebanon sa pamamagitan ng dalawang sunod na
basket, 78-68 2:58 na lamang.
“The important thing here is that we now
know that we can close out games,” dagdag ni Reyes “And it is nice to
have achieved this (championship) without being 100%. We found ways to
win even if we played our 13th game in 14 days. (MBalbuena)
avatar
Admin
Admin

Number of posts : 34
Registration date : 2007-07-14

Character sheet
Team: Purefoods Purefoods

View user profile

Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum